42

Jan 5, 2022 @ 15:04
By

Nancy: Magpakalat mga quarantine marshal

Sa gitna na paglabag sa protocol sa mga quarantine facility sa bansa, nanawagan si Senador Nancy Binay na magpakalat ng mga quarantine marshall na siyang magbabantay sa mga quarantine facility sa bansa.

Iminungkahi din ni Binay na pagmultahin ng malaki ang mga establisyimento at mga indibidwal na napatunayang lumalabag sa quarantine protocols.

“Increasingly, the need to ensure compliance is becoming more urgent. Mukhang hindi na sapat ang internal policing dahil patuloy pa rin ang quarantine violations na nababalita na mula pa sa simula,” sabi ni Binay.

“I think sa halip na mag-deploy tayo ng pulis na magbabantay sa mga quarantine facilities, mas mainam na itong mga marshals na lang para mas holistic ang approach.”

“Hindi lang nagbabantay sa mga potensyal na paglabag, kundi pro-active na ini-improve ang system lalo na sa aspeto ng public health,” dagdag pa ni Binay.

Panukala pa ng senadora, mas mabuting kunin na lang ang mga barangay tanod bilang marshal at sasanayin ng IATF at Department of Tourism.

Bukod sa pag-check ng health o safety protocol sa mga establisimiyento, titingnan din ng mga marshal kung ang mga ito ay may tamang waster disposal measures.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?