39

Dec 21, 2020 @ 19:23

Nancy: Buong taon may nakakahiyang headline tungkol sa pulis

Kinuwestiyon ni Senadora Nancy Binay ang liderato ng Philippine National Police (PNP) kung ano ang ginagawa nito para matugunan ang mahabang listahan ng pag-abuso ng mga kapulisan.

“May ninja cops, mañanita cops, ex-cop na land grabber at illegal logger, berdugong pulis—buong taon may nakakahiyang headline tungkol sa pulis. Ano na ba ang ginagawa ng liderato tungkol dito? The people expect the police to be their defenders, not their offenders,” pahayag ni Binay sa isang statement.

Ginawa ng senadora ang pahayag kasunod ng brutal na pagpaslang ng isang pulis Parañaque sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.

“Rather than being the people’s assurance of law and order, lately, many of our cops are becoming the face of terror and impunity, blatantly disregarding the rule of law and spitting on our values. Tama na, sobra na, kailangang itigil na ang pang-aabuso,” sabi ni Binay.

Ayon kay Binay, dapat magkaroon ng top-to-bottom na value reorientation sa lahat ng law enforcement institution para matigil na ang culture of immunity, pag-abuso ng mga pulis at hindi kaaya-ayang gawain ng mga ito.

Dapat din aniyang magkaroon ng reporma sa hanay ng PNP partikular sa pagpapatupad ng istriktong pananagutan sa tiwaling mga pulis.

“Wala nang takot, dahil tila hindi naman na yata sila napaparusahan. Kadalasan napo-promote pa nga,” ayon kay Binay.

“‘Yung nakagisnang police orientation toward service is supposedly related to an orientation toward crime control and community service, but apparently the PNP always comes short in addressing the clear discrepancies between their vision, mission, and the undesirable attitude and behavior of some of its members,” dagdag niya. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?