By

Nancy Binay: Tuloy ang libel case vs Trillanes

Sharing is caring!

Hindi iuurong ng pamilya Binay ang mga kasong libelo na isinampa nila laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay kahit nakipagbati na si Trillanes kay Senadora Nancy Binay.

Ayon sa senadora, labas sa pagtatapos ng kanilang dedmahan sa senado ang demandahan.

“Siyempre lahat tuloy yun,” ani Binay.

Sinabi rin naman ni Trillanes na wala siyang binanggit ukol sa mga kaso laban sa kaniya noong kinausap niya si Binay nung Marso.

Una rito, inihayag ni Binay na nilapitan siya ni Trillanes nung huling araw ng kanilang sesyon noong Marso, bago ang bakasyon ng Senado para sa Mahal na Araw.

Ayon sa senadora, tinanggap niya ang paglapit ni Trillanes para maka-“move on” na sila at magkatrabaho nang maayos.

“Pareho kaming parang walang nakikita pero nandyan lang naman sa tabi siguro naisip nya na it’s high time na magkaayos. Kumbaga moving forward,” ani Binay.

Kinumpirma ito ni Trillanes na maagap naman sa pagbibigay diin na hindi niya inarbor ang mga habla laban sa kaniya ng pamiya Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?