222

Mar 9, 2020 @ 15:30
By

Nancy Binay, trending sa paggisa sa DOH

Palakpakan ang mga netizen kay Senadora Nancy Binay dahil sa ginawa nitong pang-uusig sa Department of Health (DOH) kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng Senate committee on economic affairs sa epekto ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes, dismayado si Binay sa mga sagot ng mga opisyal ng DOH at kinatawan ng Research Institute for Tropical Medicine dahil tila hindi pinaghandaan ng mga ito ang local transmission ng COVID-19.

Kinuwestiyon niya ang kakulangan ng mga testing kit para sa COVID-19.

“I don’t want to panic but you’re making me panic. Parang hindi kayo naghanda for community transmission. We only have 2,000 testing kits for a population of 100 million?” bahagi ng pang-uusig ni Binay.

Sabi tuloy ng mga netizen, si Binay ang magandang halimbawa ng pagiging senador at boses ng mga Pilipino ngayon.

“Nancy Binay is an epitome of someone who is really doing her job as a senator. No politicking, no kiss ass, just pure concern for her countrymen. This #CoronavirusOutbreak is serious. Pinoys are not used to going to doctors and having check ups. For sure is has spread already,” saad ni @azon64.

“Nancy Binay the Senator that we didn’t expect to make sense the most,” react ni @ye0sef.

“Sen. Nancy Binay is on fire!! She’s like the voice of the people right now,” @blinktitan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?