16

Jun 10, 2021 @ 14:10
By

Nancy Binay sa DOH, IATF: Lahat ng nakaimbak na bakuna ilabas na

Hinimok ni Senadora Nancy Binay ang Department of Health madaliin ang paglabas ng lahat ng COVID-19 vaccine na nakaimbak nang sa gayon ay matugunan ang dumaraming demand dahil sa A4 priority group.

“Ilarga na’t i-release yung lahat ng vaccine na nasa government storage facilities. Sayang yung panahon kung paghihintayin pa natin ang mga tao hanggang next week,” abi ni Binay.

“By then, baka tinubuan na ng mga dahon ang bakuna bago makarating sa centers. Clearly, there should be no excuses,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Binay, hindi umano katanggap-tanggap na pagsasara ng ilang inoculation center sa Metro Manila dahil sa pagkabigo ng DOH na mai-deliver ang mga bakuna sa takdang oras.

“As of this week, marami pang bakunang nakaimbak sa storage facilities ng DOH kaya parang ang hirap tanggapin na walang maibigay sa mga vaccination center sa Maynila, Marikina at Antipolo,” lahad ni Binay.

“Habang mayroong ‘di nailalabas sa warehouse at nakararating sa tao ang bakuna, technically, it does not serve its intended purpose. May buhay na nakokompromiso,” diin pa nito.

Sa ngayon, sa 9.3 milyong bakuna dumating sa bansa, 8.6 milyon ang naipamahagi na at mahigit 6 milyon na ang nabakunahan. May natitira pang umanong halos isang milyong doses sa mga government facility.

“Meron pang 2 million doses ng Pfizer na darating bukas plus 1 million each ng Sputnik and Sinovac. Sana i-release kaagad at ilabas na ang mga bakuna ng DOH para mapakinabangan ito agad ng ating mga kababayan,” punto ni Binay.

“Dapat nga lahat ng 1st dose vaccine ay nai-release na, at kung meron mang naiwan sa storage, yung mga 2nd dose na lang. Kung nag-decide man ang IATF na buksan na ang A4 category, dapat handa rin ang DOH to cover the necessary requirements tulad ng syringes at iba pang gamit,” ani Binay.

Sa datos ng gobyerno, 13 milyong manggagawa sa Metro Manila at iba pang lugar sa NCR Plus 8 ang kabilang sa A4 category.

Mayroon namang 22.5 milyong manggagawa sa lalabas sa NCR Plus 8, at kung pagsasamahin aabot sa 35.5 milyon ang mga manggagawang kabilang sa A4 category.

“Lahat naman tayo gustong maging maayos na at manumbalik na ang ekonomiya. If these vaccines remain stored in warehouses and do not reach the LGUs on time, not only will we be seeing a lot of empty tents and chairs–we are exposing a big percentage of our workforce to more contagious variants,” sabi ni Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?