1,705

By

Nancy Binay kay Trillanes: Lilipas din ‘yan

Sharing is caring!

Pinayuhan ni Senadora Nancy Binay si Senador Antonio Trillanes IV na maging matatag ngayong nanganganib itong mabalik sa kulungan matapos ipabawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiyang ibinigay dito ng Aquino administration.

“Sabi ko sa kanya, tulad ng advise ko kay Senator Leila de Lima, lilipas din yan,” ani Binay matapos ang caucus ng mga senador ukol sa sitwasyon ni Trillanes.

“Sabi ko from somebody na pinagdaanan ‘yan, pagdaanan lang, lilipas lang,” dagdag nito.

Inakusahan noon ni Trillanes ng katiwalian ang ama ng senadora na si dating Vice President Jejomar Binay at isa ito sa mga naging dahilan ng pagkatalo nito sa halalang pampanguluhan noong 2016 kung saan nanalo naman si Duterte.

Wala naman umanong naging tugon si Trillanes kundi ngiti.

“Napangiti naman siya,” sabi ni Binay.

Sabi ng senadora, sa ganitong panahon, masusubok ni Trillanes kung sino ang mga tunay na kaibigan na masasandalan.

“Ganun lang, always look at the positive side,” pahayag ni Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?