222

By

Nancy Binay ‘di kinonsulta sa pagtakbo ng ama sa Kongreso: Nagulat din ako!

Sorpresa umano kay Senadora Nancy Binay ang anunsiyo na tatakbo ang kaniyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay sa pagka-kongresista ng Makati City.

“Hindi ko alam. Nagugulat lang din ako sa mga pangyayari ngayong umaga. Hindi namin napag-uusapan, ang alam ko lang ay pupunta siya ng Italy para magdasal. Parang paulit-ulit niyang sinasabi na ayaw niyang pag-usapan ang politika,” sabi ng senadora sa panayam sa Senado.

Sa flag raising ceremony kaninang umaga sa Makati City Hall, inianunsyo umano ni Makati Mayor Abigail Binay na tatakbo ito sa reeleksyon habang kakandidato sa pagka-konggresista ng unang distrito ng lungsod ang kanilang ama.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng mga Binay na si Joey Salgado.

“Kung ‘yun ang next career move niya, lahat naman ng ginagawa niya we’ve supported him, nung tumakbo siyang vice president, nung tumakbo siyang presidente eh bilang anak, siyempre kailangan full support kami,” sabi ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?