42

Sep 12, 2021 @ 13:58
By

Nancy: Bakit walang pondo sa ayuda, contact tracing?

Nababahala si Senadora Nancy Binay sa kawalan ng pondo na inilaan para sa cash aid o “ayuda” at contract tracing sa ilalim ng panukalang P5.024 trilyong pondo para sa taong 2022.

“Ang mindset when the budget was made, there would still be COVID next year. Bakit walang nagtanong sa DILG? Bakit walang budget for contact tracing?” tanong ni Binay.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Binay na dapat nagpokus ang Department of Interior and Local Government sa sa contrac tracing effort bilang para paraan para epektibong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

“We understand the challenges, but there’s a mounting necessity to scale up our contact tracing capacities. Napaka-crucial ng contact tracing is especially as infections of new Covid variants keep rising. Yung 2022 budget mismo hindi compliant sa Covid response,” sabi ni Binay.

Dagdag pa ni Binay, isang ‘public health concern’ umano ang Covid at ang contract tracing isang mahalagang kasangkapan para makontrol ang pagkalat na virus sa mga komunidad.

“I personally cannot accept that the DILG and DOH have no systematic plans or even the slightest effort to kickstart or scale up contract tracing,” ani Binay.

“Wala bang nakaisip sa kanila na importanteng elemento yun at kailangan bigyan ng allocation? Kaya di nakapagtataka kung bakit after more than a year, pagdating sa testing at contact tracing, kulelat pa rin tayo,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?