195

By

Nanay ni VP Leni isinugod sa ospital

Nanawagan ng dasal si Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo para sa kanyang ina na nasa ospital.

Sa kanyang personal Facebook page, sinabi ng Bise Presidente na nagmadali siyang makauwi ng bahay sa Naga noong hapon ng Enero 24 dahil dinala sa ospital ang nanay niyang si Salvacion Gerona.

“Rushed home Naga this afternoon for my Mom, who turned for the worst. Please help me pray that she pulls through this,” sabi niya sa post.


Hindi naman idinetalye ni Robredo ang tungkol sa sakit ng kanyang ina.

Sa kanyang update nitong Sabado, naka-survive raw ang kanyang ina pero naka-ventilator pa ito.

“Thank you all for your prayers. My mom was able to survive a most difficult day. Although she’s still on ventilator, she’s much better today and her vital signs have improved. Still praying for her complete healing,” wika ni Vice President Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?