1,643

Nov 24, 2018 @ 14:06
By

Nanay ni Vice Ganda, gustong manood sa ‘Eat Bulaga’

Hindi nagpapigil ang komedyanteng si Vice Ganda sa pagbanggit sa rival show ng ‘It’s Showtime’ na ‘Eat Bulaga’.

Sa segment na ‘Ms. Q & A’, biglang umentra sa eksena ang topic ng kanyang ina, na sinasabing fan ito nina Vic Sotto, Tito Sotto, at Joey de Leon na pawang mga host ng ‘Eat Bulaga’.

Nagbiro rin si Vice na kung pumunta rito ang kanyang ina dito ay baka sa ‘Eat Bulaga’ ito manood imbes na sa kanilang noontime show.

Baka raw sakaling makita niyang kumakaway-kaway ito sa GMA show at kung sakaling ihatid niya ang kanyang ina ay hindi siya papasukin dahil bawal umano ang kabayo.

Naging prangka rin si Vice na mas malaki ang ‘bigayan’ sa kabilang show kaysa sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?