213

Oct 16, 2017 @ 15:53

Nanay ni Nadine, naka-recover na sa cancer

Kung si Nadine Lustre ay nagulat na lang din sa Medium blog ng kapatid na namatay na noon lang nabasa at nadiskubreng may talento pala ito sa pagsusulat, siguradong mas higit ang Tatay nila na si Ulysses Lustre.

Ibinihagi rin nito sa social media ang naramdaman at reaksyon sa Medium entry ng anak na ni-repost ng mga fans ni Nadine.

Ayon sa ama nila, “You got me there Ice, so much lessons learned. Even I not free from depressions, thru your writing I am now more bolder to face it head on. I am proud of you Ice. This tragedy will not end unnoticed. A battlecry for fighting depression will be shouted. And there will be awareness.

“The lost of a father or a mother is painful, the loss of a son is unbearable. The demons of depression is devouring our youth. I call out to all sons and daughters to please stop hurting yourselves. Your depression is incomparable to us parents when you do. Life is beautiful. Please bear that in mind. Happy Birthday Ice. We love you so much.”

Noong October 13, Ice would have been 17 year old.

Hindi naman maiwasan na may ilang netizens na tila nahuhusgahan ang mga magulang ni Nadine. Nandiyang ang huli na raw ang breadwinner, dapat daw mas tutok na ang mga ito sa mga anak.

May nagtanong naman kung hindi raw ba nag-uusap-usap ang mga ito bilang pamilya.

Anyway, sa mga ganitong pangyayari, hindi na rin siguro tamang maghusgahan pa. Hindi rin naman alam ng iba kung paano silang pamilya. Kung ano sila sa loob ng bahay. At kung paano rin sila nagsusuportahan in their own ways.

Maaaring ang nakikita lang ng publiko ay ang imahe ni Nadine. Hindi rin ito makuwento pagdating sa personal niyang buhay, lalo ang pamilya niya.

Iilan lang din ang nakakaalam na ang Nanay mismo ni Nadine ay nakipaglaban naman sa sakit na cancer at kailan lang halos naka-recover mula sa sakit na ito.

Xander Ford, puro kanegahan ang hatid sa showbiz

Sa totoo lang, ayaw sana naming patulan si Xander Ford. Pero sige na nga, once. Charot!

Eh paano naman, parang puro na lang kanegahan ang mga nababalita sa kanya.

After ng isyu nila ni Ogie Diaz na kung tutuusin, kasalanan din ni Xander dahil yung tunay na attitude niya ang lumabas at na-witnessed sa kanya at hindi naman ginawa o i inimbento para siraan siya.

Ngayon naman, si Kathryn Bernardo naman ang bago niyang biktima. Nagde-deny si Xander na tila pinaglaruan o nilait niya ang Kapamilya young actres, kaso paano itong muli lulutusan ni Xander, e, may proof na ipinakita ang mga fans ng mismong video niya.

Ay naku, good luck kay Xander kung paano ang balik sa kanya ng KathNiel.

Unsolicited payo lang din kay Xander. Dapat alam pa rin niya na ang nakikita niyang mukha tuwing magsasalamin siya ay hindi ang orihinal na mukha niya.

So extra effort para sa kanya na magustuhan o mahalin ng tao. Dahil ‘di ba, may kasabihang iba pa rin ang ‘orig.’ 

Kaya wag na sanang dagdagan pa ni Xander ang pagiging peke ng mukha niya sa diumano’y hindi raw magandang attitude niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?