183

Mar 22, 2020 @ 9:21
By

Nanay ni Miko Palanca pumanaw na

Tatlong buwan matapos pumanaw ni aktor Miko Palanca, sumakabilang-buhay na rin ang nanay nito na si Maria del Pilar “Pita” Revilla-Hocson.

Sabi ng kapatid ni Hocson na si Johnny Revilla, sa ulat ng ABS-CBN News, bigla ang pagpanaw ni Pita sa San Francisco, California noong gabi ng Marso 19, 2020.

Pumanaw siya sa 62 anyos dahil sa cancer.

Matatandaang namatay ang anak nitong si Miko noong Disyembre 2019, kung kailan wala pa umano itong sintomas ng cancer.

Hindi pa mauuwi nina Johnny ang labi ng kapatid dahil sa travel at medical restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.

Inalala naman si Pilar ng isa pa niyang anak na si Martin.

“Forever going to be missing your sunlight. ☀️ Forever and ever going to be looking for your warmth,” sambit ni Martin, Marso 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?