673

Oct 25, 2021 @ 15:58
By

Nanay ni Kylie nagngitngit kay Cristy Fermin: One sided ka!

Hindi na nakapagpigil ang ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco at rumesbak sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Matatandaang sinabi ni Cristy na isang source ang nagsabi sa kanya na ginugutom ni Kylie si Aljur, at ang aktres ang nangaliwa at madalas may kausap sa cellphone.

“Sobra kana Cristy Fermin!!! Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo. Siraan ka ng hindi totoo, gusto mo?” panimula ni Liezl sa Instagram post.

“Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!! D mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago kana bago kapa bawian ng buhay,” dagdag niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?