38
chris-evan-mama

Nanay ni ‘Captain America’ Chris Evans, pumanaw na

Sharing is caring!

Hindi na nakasalang sa isang programa sa BBC Radio si Chris Evans matapos nitong matanggap ang balitang namatay na ang kanyang ina.

Dumiretso umano si Evans sa kanilang bahay nang malamang pumanaw ang nanay niyang si Minnie sa edad na 92.

Si broadcaster Vassos Alexander ang nagbasa ng iniwang sulat ni Evans para sa mga tagapakinig.

“Chris isn’t here. He has been here. But he had to go just before we went on air. But he’s left a note for me to read out on air. This is very difficult because he is one of my best friends,” panimula ni Alexander.

Nakasulat sa note ni Evans: “Good morning. The reason I’m not with you today is because just before I came on air my mum passed away and I needed to go straight back home to be with my family. But it’s all OK, in fact it’s very OK, mum needed to be at peace.

“Moreover she needed to be at peace for some time now and as she has throughout her life in death she has brought us together. She was an incredible woman.”

Nagdiwang pa si Evans ng ika-40 niyang kaarawan kasama ang ina sa The New Paul O’Grady Show noong 2006.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?