304

Oct 14, 2021 @ 17:36
By

Nanay ni AJ Raval tinalakan mga basher

Hindi na nakapagtimpi ang nanay ng sexy actress na si AJ Raval sa mga batikos sa kanyang anak dahil sa pakikipagrelasyon kay Aljur Abrenica.

May asawa at dalawang anak na kasi ang aktor at kakahiwalay lang sa aktres na si Kylie Padilla.

Pero depensa sa basher ng momshie ni AJ na si Alyssa Alvarez, walang karapatan ang sinuman na husgahan ang kanyang anak.

“Mga tao nga naman no ate yung asawa easy lang pero sila galit na galit gusto manakit,” comment ni Yariv Onarres Anj sa larawan ni Aljur na ibinahagi ni Alyssa sa Facebook.

Sagot ni Alyssa, “Oo nga eh… Mga wala na cguro magawa mga taong yun. bored na bored na sya.”

Sabat naman ng netizen na si Jeff Rey, “Kung nagawa niya kay kaylie kaya niya rin gawin sa iba.”

Nireplayan ito ni Alyssa, “Sus cno k para humusga? Ikaw b walang nagawang kasalanan?

“Yan mhirap sa ibang mga pilipino masyado judgemental, kaya walang asenso. Just saying. Di nmn ntin hawak ang kalooban Dios kapatid.

“Tingnan nlng ntin.. Now if magkatotoo yang sinasabi mo, eh di yun dahil sa sinabi mo, inuulit ko Panginoong Dios ang gagawa nyan para mailayo ang anak ko sa mas masakit na karanasan sa buhay,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?