113

Dec 11, 2017 @ 13:19
By

Nanay ng nabakunahan ng Dengvaxia: Sec. Garin, nakakatulog ka ba?

Nagbuhos ng sentimyento sa Senado ang ina ng isang batang naturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Iris Alpay, nag-aalala siya para sa kaniyang anak at dismayado siya sa gobyerno dahil nagpabakuna sa mga bata nang hindi naman garantisadong ligtas.

“Sa mga taong behind this vaccine, especially former Secretary (Janette) Garin, gusto ko lang po ring tanungin sa kanya kung nakakatulog pa ba siya ng mahimbing kasi kami po ay hindi na,” sabi ni Alpay.

“Gusto ko rin pong ipalabas ang frustration ko sa government,” dagdag nito.

Ang anak ni Alpay ay isa sa mga tinurukan ng Dengvaxia. Nag-alala para sa anak dahil nagkaroon ng karamdaman.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, 830,000 ang mga batang binakunahan sa public schools at ng mga government health center habang 32,000 sa mga pribadong ospital.

“I trusted so much the government especially the DOH (Department of Health) dahil naniniwala po ako na ang mandate nito ay para lang po sa kapakanan sa health, lalo ng entire citizen ng PIlipinas po. Pero ako po ay sobrang na-disappoint dahil mismong ang ahensya nyo mismong nagpapahamak sa aming mga anak,” sabi ni Alpay.

Tinawagan naman umano ni Duque si Alpay nung mabalitaan ang hinaing nito at sinabihan na maaring walang kinalaman sa Dengvaxia ang sakit pero “pwede pa rin.”

Hindi pa kinokompronta ng mga senador si Garin kung nakakatulog ba ito ng mahimbing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?