610

Nov 17, 2018 @ 13:33
By

Nanay ng anak ni Joel Cruz, kamukha ni Julia Roberts

Hindi na kataka-taka kung bakit pogi’t magaganda ang mga tsikiting ng fragrance expert na si Joel Cruz.

Sa kanyang naging panayam sa ‘Tunay na Buhay’ kay Rhea Santos, inilahad ni Cruz ang pinanggalingan ng kanyang walong anak.

Lilia ang pangalan ng mother ng kanyang mga anak, na inilarawan ni Cruz na kawangis umano ng Hollywood actress na si Julia Roberts.

Russian ang magandang dilag, na pumayag maging surrogate mother para magkaroon ng babies si Joel.

Binunyag din ni Cruz ang kanyang nagasta para magkaroon ng baby, umabot umano sa P6M ang proseso nito at kung isasama pa ang ibang mga procedure ay aabot sa P12M.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?