1,026

Dec 22, 2017 @ 16:58
By

Nanay ng 2 kids ni Bistek, dedma sa rebelasyon ni Kris Aquino

In fairness sa isa sa mga nakarelasyon noon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, si Eloisa Matias (dating executive producer ng Sharon show ng ABS-CBN), ayaw niyang mag-react tungkol sa revelation ni Kris Aquino na binigyan ito ng diamond ring at nag-propose ng kasal ang dating comedian turned politician sa tinaguriang Queen of All Media.

Sabi ni Eloisa, ‘irrelevant’ para sa kanya ang tungkol sa nasabing balita dahil matagal na raw silang walang relasyon ng tatay ng dalawa niyang anak.

Friends na lang daw sila ni Mayor Bistek, kaya hindi na rin siya dapat pang mag-react sa mga ganoong balita.

Hindi na rin daw tinatanong ni Eloisa ang dating karelasyon tungkol sa mga ganoong balita. Ang maganda raw kay Mayor Bistek, magkaibigan silang dalawa at magaling itong co-parent ng mga anak nilang sina Cray (22 years old) at Race (20 years old).

Never nga raw nagpabaya sa dalawa nilang anak si Mayor Bistek, kaya puring-puri niya ang dating karelasyon. Kapag nag-uusap daw silang dalawa, tungkol sa mga anak nila ang topic nila.

Sa ngayon, nasa bansa si Race na nag-aral ng filmmaking at acting sa New York at nag-transfer na sa Los Angeles, California dahil binigyan ng merit scholarship ng school doon, kaya may malaking discount sa kanyang tuition fees.

Ang dinig nga pala namin, presenter sa MMFF 2017 Awards Night ang anak na ito ni Mayor Bistek. For sure, matatanong si Race tungkol sa naging relasyon ng kanyang tatay kay Kris, huh! (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?