244

Jan 12, 2022 @ 16:27
By

Nanay na ba siya? Netizens kinuwestiyon pag-aprub sa MOCHA party-list

Trending ngayon si Mocha Uson matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang party-list bid ng Malasakit Movement dahil sa kawalan ng merito ngunit nakalusot ang Mothers for Change (MOCHA) party-list.

“The Malasakit Movement’s accreditation was denied because they failed to meet the requirement for a sectoral party-list organization. They unable to prove that they represent a marginalized and underrepresented sector,” paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press conference.

Samantala, sabi ni Jimenez na inaprubahan ang accreditation ng MOCHA party-list dahil natugunan umano nito ang lahat ng requirements para sa isang sectoral organization.

Kabilang sa mga nominee ng MOCHA party-list si dating Presidential Communications and Operations Office Assistance Secretary at ex-Overseas Workers Welfare Administration Executive Director Mocha Uson.

Kaya naman kinuwestiyon ng netizen ang MOCHA party-list dahil hindi pa nanay ang nasabing nominee nito.

“Nanay na ba si Mocha? Sino tatay?” ani @CityMouse14.

“Our healthcare workers can’t get representation but Mocha, who isn’t a mother, can,” saad ni @barnabychuck.

“Wala siyang ASAWA Wala siang ANAK Pano nia i rerepresent ang mga Mothers kung hindi nga sia isang ina Kaya dapat na talaga ibasura tong party list system na to,” sambit ni Jamesebel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?