188

Jan 16, 2020 @ 14:32
By

Nanay, 3 anak, patay sa sunog sa Tondo

Tepok sa apoy ang isang ina pati na rin ang tatlo nitong anak sa sunog na sumiklab sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang namatay na ginang na si Odessa Conde, 36, kasama ang tatlo nitong anak na sina Yexel, 10; Kiara, 9; at Kiefer, 8.

Samantala, dalawa pa ang nasawi dahil sa nasabing sunog, isa rito ang may kapansanan na si Jean Paul Esguerra, 42; at ang huling nasawa ay si Aquilina Havana.

20 kabahayan ang tinatayang natupok ng apoy sa Yuseco at Katamanan Street, dineklara namang fire out ng Manila Fire District bandang alas-7:14 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?