49

By

Nananaginip ng gising! Panelo bumwelta sa ‘sariling gobyerno’ ni Sison

Sharing is caring!

Kinantiyawan ng Malacañang si Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison na nangangarap na naman at naniniwalang may sarili silang gobyerno.

Kasunod ito ng pahayag ni Sison na hindi niya kayang ipatigil ang extortion activities ng New Peoples Army (NPA) kapalit ng pagkakataong muling mabuksan ang peace talks dahil kailangan aniya ng kanilang gobyerno ang revolutionary tax.

Natatawang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi niya alam na mayroon palang gobyerno si Sison.

“He is again in his usual daydreaming mode. Instead of welcoming the offer of peace by the President, albeit conditional, Mr. Sison considers this as an insult to them. Oh, I didn’t know that they have a government,” ani Panelo.

Ipinaalala ni Panelo na 52 taon ng pinagtatangkaan ng kilusang komunisra na ibagsak ang gobyerno subalit nabigo si Sison kaya panahon na para isuko ang pangarap at sa halip ay sumama sa hanay ng mga magigiting na Filipino na lumaban para sa bayan.

Hindi dapat hayaang palampasin ni Sison ang oportunidad dahil kapag nawala ito ay magiging bahagi na lamang ito ng maliit na bahagi ng kasaysayan.

” So, we call on Joma Sison that it’s about time that he contributes his talent and expertise for the betterment of our people and the country he loves so dearly. Because if he loses this opportunity, he might just be dumped into the dust bin of history and will a footnite in history,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?