By

Nanalong kandidato na nasa narco list, ‘di pa lusot – Duterte

Sharing is caring!

Hindi pa rin dapat na magdiwang ang mga nanalong kandidato sa katatapos na eleksiyon na nasa drug watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling nakabantay ang mga awtoridad at hindi garantiya ang kanilang pagkapanalo at hindi uubrang gamiting pananggalang ang kanilang posisyon para makalibre sa posibleng kaso.

Ayon sa Pangulo, nakamonitor ang gobyerno sa mga nanalong kandidato na may record sa illegal drugs.

“We would be watching the guys who have had records of drug — trafficking, drug abuse.

“Kayong mga nasa droga at nanalo kayo, your election to the barangay position is not a guarantee. Do not seek cover on that title,” anang Pangulo.

Malinaw aniya ang kanyang ipinangako noong panahon ng kampanya na matatapos lamang ang anti-drug war sa huling araw ng kanyang termino.

Binigyang-diin ng Pangulo na handa niyang itaya ang kanyang buhay, dangal at pagka-pangulo at hindi niya hahayaang mamayagpag ang illegal drug trade sa bansa.

“Basta may sinabi na ako — I have this policy and it’s a campaign promise. ‘Pag sinabi ko sa inyo, it will be at the expense of my life, honor, and the presidency, but the drug war will end during the last day of my…

“Because I will not allow my country to go to the dogs. Hindi tayo nagkaintindihan sa… Ngayon pa lang, I am sorry,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?