59

Dec 23, 2017 @ 17:12

Nanakaw na inidoro ng ex-Mavs player, napalitan na

Humakot ng atensiyon sa mundo matapos mai-post sa Twitter ni dating Mavericks forward Charlie Villanueva ang hinggil sa pagnanakaw ng inidoro sa kanilang tahanan sa Dallas nitong linggo.

Una, may nagmagandang-loob kay Villanueva para mapalitan ang toilet (courtesy ng Poo-Pourri) na aniya mula nang isapubliko ang nangyari na hindi pinatawad ng mga kawatan, napag-alaman niya ngayon na milyong populasyon sa buong mundo ang walang palikuran at ngayon rin niya napagtanto na mayroong global sanitation crisis.

Sa palagay niya ang paglantad niya sa naturang pangyayari ay pumukaw sa publiko at dito’y nais niyang makatulong.

Gayundin, sa ulat ng TMZ Sports, sinabihan sila ng pulisya na malapit na nilang mahuli o matukoy kung sino ang humarbat ng inidoro ni Charlie, kung saan nagpadala ang Dallas PD ng imbestigador sa tahanan nito at sinabihan siyang mayroon na silang totoong lead sa pangyayari. Peksman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?