16

Nov 8, 2020 @ 16:05
By

Namura pa! Clarkson, LeBron nagbunyi sa talo ni Trump

“F*ck Donald Trump.”

‘Yan ang kantang ni-retweet ni Fil-Am cager na si Jordan Clarkson matapos na ideklarang talunan na si US President Donald Trump para sana sa kanyang ikalawang termino sa White House.

Nag-post din si Clarkson ng tweet kung saan nag-throwback ito sa ‘It’s over’ na linya ni Vince Carter, kung saan naka-tag si Trump.

Napahithit naman si four-time NBA champion LeBron James ng tabako bilang celebratory tweet din sa pagpapatalsik kay Trump bilang US President.

Dinaan din ni LeBron sa meme ang patama kay Trump, kung saan nakalapat ang mukha ni Joe Biden sa kanya habang binubuta nito si Andre Iguodala, na pinalitan naman ng mukha ni Trump.

Nitong Linggo ng hatinggabi, oras sa Pilipinas, ay inanunsyo ang pagkapanalo ni Biden matapos nitong malampasan ang 270 electoral votes sa kanyang pagkapanalo sa Pennyslyvania.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?