15

May 10, 2021 @ 15:27
By

Namumuro sa playoffs! Knicks, Rose tinaob Clippers

Isang laro na lang ang kailangan ng New York Knicks para matapos ang walong taong pagkauhaw sa playoffs.

Sa laban ng Knicks kontra Los Angeles Clippers, nahirapan ang kanilang star player na si Julius Randle, ngunit tila nagbalik ang MVP-mode ni Derrick Rose para buhatin ang NY sa kanilang 106-100 win.

Nagsilbing pampagising si Rose mula sa bench matapos itong kumamada ng 25 points, six rebounds at eight assists sa naturang laro, nakatulong din si Reggie Bullock na nag-ambag ng 24 markers, limang tres ang nasalpak.

Nanguna naman para sa Clippers si Kawhi Leonard tangan ang 29 points, ngunit siyam na tira lang ang napasok sa 26 field goal attempt.

Dahil sa panalo, nasolidohan ang fourth spot ng Knicks sa Western Conference standing, at isang panalo na lang ang kailangan para makaiwas sa play-in tournament.

Pinuri naman ni Knicks president Leon Rose ang kanilang mga fan, na kahit nasa homecourt sila ng Clippers ay mapapansin ang sigawan ng mga solidong tagasuporta nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?