245

May 31, 2021 @ 11:23
By

Namumuong alyado sa 2022? Sara Duterte nakipagkita sa mga Marcos

Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte na nakipagkita siya kina Senadora Imee Marcos at Bongbong Marcos.

Ito’y matapos na kumalat sa social media ang larawan kung saan makikitang kausap ni Sara ang magkapatid na Marcos.

“I confirm the picture taken yesterday here in Davao City,” ayon sa pahayag ni Sara na inilabas ng Davao City Information Office.

“I would like to thank Senator Imee and former Senator Bongbong Marcos for their birthday greetings, and my husband for the lunch he hosted,” aniya pa.

Ayon naman kay Imee, dinalaw nila si Inday Sara para ipagdiwang ang kaarawan nito ngayong May 31.

Nang matanong naman si Imee kung napag-usapan ang posibilidad ng Duterte-Marcos tandem sa 2022, sinabi nito na walang halong politika ang kanilang naging pagkikita.

Dati nang kinumpirma ni Bongbong na tatakbo muli siya sa 2022 matapos na matalo noong 2016 kay Vice President Leni Robredo.

Hindi pa pinaaalam ni BBM kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?