1,503

Mar 19, 2020 @ 12:45
By

Namulitika kahit may krisis: Manny Pacquiao epal!

“Epal,” “trapo,” “oportunista,” – ilan lang ito sa bansag ng mga netizen kay Senador Manny Pacquiao.

Matatandaang pinadala kasi ng kanyang mga kaibigang Koreano ang 700,000 face mask para sa mga frontline worker sa Luzon-wide lockdown. Todo ngiti ang senador sa photo op.

“Ano ang tawag sa pulitiko na sa gitna ng pandaigdigang trahedya sa kalusugan ay nagawa pa rin mamulitika?,” tanong sa madla ni Twitter user @shamrocker_oo_.


Kanya-kanya namang himutok ang mga netizen.


Magtatagal hanggang Abril 13 ang enhanced community quarantine sa buong Luzon bilang-pag-iingat sa lalong pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, 202 na ang nagpositibo habang 17 ang pumanaw sa naturang sakit sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?