37

Jul 6, 2020 @ 15:42
By

Nambully sa Kamara pinaiimbestigahan sa NBI

Pumalag na si Senior Deputy Majority Leader Boying Remulla sa mga nambully sa Kamara partikular ang mga miyembro ng Committees on legislative franchises at Public accountability na nagsagawa ng pagdinig kaugnay sa renewal ng prangkisa ng ABS CBN.

Kaya humingi na ito ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang nambully sa mga miyembro ng Kamara.

“After my experience for the past 10 days or the past 6 days of being the subject of many organized attacks on social media, I have gone to the NBI to complain about the cyberbullying done to my person and the other members of the House,” ayon kay Remulla.

Giit pa ng kongresista, “ I thought this wise because we are doing our job for this country, we are not doing this job for personal reason.

This matter of scrutinizing a constitutional franchise, this franchise of ABS-CBN, is a constitutional duty. Ito ay aming tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas na tingnan ang bagay na ito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?