239

Nov 21, 2021 @ 16:56
By

Nambato ng MRT nadakip na

Matapos ang matinding paghahanap, nahuli ng mga awtoridad ang nambato sa isang bagon ng MRT-3 ngayong Linggo.

Matatandaang dakong alas-6:51 ng umaga ngayong Linggo ay may nambato ng MRT sa pagitan ng mga istasyon ng Taft Avenue at Magallanes, kung saan butas ang isang bintana at isang pasahero ang nasugatan.

Ilang oras ang makalipas, bandang tanghali ay naaresto ang lalaking nasa likod umano ng naturang krimen sa isang construction site malapit sa Taft.

Isa umanong basurero ang suspek.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?