69

Nov 17, 2019 @ 19:30
By

Nambatac, RoS buhay pa sa playoffs stint

Isinalba ng floater at steal ni Rey Nambatac ang Rain or Shine sa paggulantang sa Meralco, 83-81, sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019-2020 eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si Nambatac ng 24 points, 3 rebounds at 4 assists kung saan sinandigan ng Elasto Painters ang krusyal na palutang niyang at split sa free throws na nagtulak sa koponan sa dalawang puntos na abante, 82-80, bago ang steal na nagselyo sa ikaapat na panalo ng RoS sa 11 laro.

Nagtala din ang import nito na si Richard Ross ng 26 markers, 12 boards at 1 assist para makatabla ang Elasto Painters ng playoffs para sa quarterfinals, sinalya pa ang Bolts sa 8-3.

“Sabi kasi ni coach Caloy (Garcia) , kailangan naming ipanalo ang laro at kailangan kong tulungan ang mga kakampi ko. Siguro, puso lang talaga ang nagdala sa akin sa magandang laro at sa mga itinuro sa amin ni coach Caoly,” sabi ni Nambatac.

Nabigo din ang Meralco Bolts na makamit ang numero unong silya sa pagtatapos ng kampanya sa yugtong ito ng nseason-ending conference sa kabilang ng 23 pts. at 16 rebs. ni Allen Durham.

Ibinuhos ng Rain Or Shine ang 17-4 bomba sa loob ng anim na minuto sa final quarter para agawin at itala ang 77-73 bentahe, may apat na minuto pa sa laro.

Ang iskor:
Rain or Shine 83 – Ross 26, Nambatac 24, Exciminiano 8, Borboran 4, Ponferada 4, Mocon 4, Norwood 4, Rosales 3, Torres 3, Belga 3, Daquioag 0.
Meralco 81 – Durham 23, Amer 18, Almazan 18, Newsome 12, Quinto 6, Pinto 2, Caram 2, Faundo 0, Hodge 0, Salva 0.
Quarters: 23-21, 41-42, 60-69, 83-81.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?