26

Sep 12, 2021 @ 18:22
By

Nambatac bumida, Painters lusot sa Beermen

Ibinuslo ni Rey Nambatac ang pabalibag na tira may 2.5 segundo na lamang sa orasan upang dalhin ang Rain or Shine sa 95-93 paglusot kontra San Miguel ngayong Linggo.

Matapos itabla ni CJ Perez ang laro sa 93-93, 12 segundo na lamang sa laban, sinalba ni Nambatac ang Elasto Painters sa kanyang salaksak at pwersadong tira na bumastos sa tatlong bantay.

Bukod kay Nambatac, ang rookie na si Santi Santillan ang isa pang namayani para sa Painters nang kanyang depensahan si Terrence Romeo sa huling possession para maipreserba ang kanilang ikaanim na panalo laban sa apat na talo.

Career-high na 21 points tampok ang tatlong tres ang binuhos ni Santillan para pangunahan ang Painters.

Nagdagdag pa si Javee Mocon ng 18 markers at 11 points pa mula sa rookie na si Anton Asistio.

Bumuhos naman ng 20 points para sa Beermen si Romeo, habang may tig-18 points sina June Mar Fajardo at Perez. Nalaglag ang Beermen sa 5-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?