11

Jul 20, 2021 @ 15:40
By

Nambatac bidang PBA Player of the Week

Nasungkit ni Rain or Shine scorer Rey Nambatac ang kauna-unahang Player of the Week Award sa 2021 PBA Philippine Cup.

Ito’y matapos mag-average ang dating Letranista ng 20.0 points, 10.0 rebounds at 1.5 assists sa laro ng Rain or Shine kontra NLEX at Blackwater.

Ang magandang performance din ni Nambatac ang naging susi sa walang dungis na record ng Elasto Painters na may kartadang 2-0.

Hinambing naman ni ROS head coach Chris Gavina si Nambatac sa ilang NBA superstar na naglalaban ngayon sa Finals.

“I’ve talked to Rey that he needs to take that role for us, kind of like Phoenix Suns’ Devin Booker or Milwaukee Bucks’ Jrue Holiday and he embraced it,” sambit ni Gavina.

Samantala, pumangalawa kay Nambatac si Meralco Bolts forward Mac Belo, na kumana ng 17.0 points, 7.0 rebounds at 1.5 assists sa dalawang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?