9

Oct 27, 2020 @ 21:55
By

Nambatac, Belga tinumba Ginebra sa OT!

Sinalba nina Rey Nambatac at Beau Belga ang Rain or Shine Elasto Painters para masungkit ang panalo kontra Ginebra San MIguel, 85-82, Martes sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Anim na segundo ang natitira sa regulation, lamang ang Ginebra, 76-73, ngunit hawak ng ROS ang bola.

Dito na nagpakitang-gilas si Nambatac at binuslo ang panablang tres para dalhin ang laro sa overtime.

Sa overtime, nag-init si Belga kung saan umiskor ito ng limang puntos para pabagsakin ang Ginebra.

Tumapos si Belga tangan ang 20 points, 10 rebounds at apat na assists, habang umayuda rin si Mark Borboran ng 16 points.

Si Scottie Thompson naman ang nanguna sa Ginebra, gumawa ng 21 points, 10 boards at limang dimes.

Laglag sa 4-2 record ang Ginebra, habang angat naman sa 4-1 ang ROS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?