219

Jan 4, 2020 @ 19:13
By

Nambabato sa mga tren, hawak na ng PNR

Hawak na ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) ang isang bata na sinasabing nambabato sa mga tren.

Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, hindi nila puwedeng pangalanan ang bata dahil isang menor de edad pero isinasailalim na nila ito sa imbestigasyon.

“We cannot disclose as the person of interest is a minor, and our legal and security offices are concluding their report. So as it stands we only have a person of interest until the report is concluded,” ani Magno.

Una nang kinondena ng netizens ang nag-viral na pambabato ng mga kabataan sa umano’y mga tren ng PNR.

Paliwanag naman ni PNR OIC spokesperson Crissy Ecalnea, may panukala para sa “criminalize railway operations” sa bansa subalit hindi pa ito naisasabatas kaya ang tanging magagawa nila ay ang kasuhan lang ang sinumang may kagagawan ng pambabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?