duterte-ad
By

Namatay sa drug war ni Duterte, pumalo na sa 4K

Sharing is caring!

Umabot na sa mahigit sa 4,000 drug personalities ang namatay sa anti-drug operations sa halos dalawang taon nang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, inihayag ni dating Philippine National Police Chief for Operations at ngayo’y National Capital Region Police Office Director Camilo Cascolan ang datos.

Lumalabas na bukod sa 4,251 na napatay sa anti-drug operations, may 142,069 drug suspect din ang naaresto sa 98,799 na anti-drug operations na ikinasa mula Hulyo 1, 2017 hanggang Abril 30, 2018.

Umaabot naman sa 2,676.60 kilo o katumbas ng halagang P13.31 bilyon ng shabu ang nasamsam.

Nasa P20.23 bilyon ding mga kemikal at gamit sa paggawa ng iligal na droga ang nadiskubre sa nasabing panahon.

Umakyat na rin sa 504 na government workers ang naaresto dahil sa iligal na droga kung saan 239 ang government employees, 237 ang elected officials at 48 ang uniformed personel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?