50

Jul 16, 2019 @ 16:26

Namatay sa drug war ‘di lagpas sa 20K – PCOO

Masyado umanong “bloated” ang pahayag ng Vera Files na mahigit sa 20,000 katao na ang nasawi sa war on drugs ng pamahalaan, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.

Ani PCOO chief brand integrator at Assistant Secretary Ramon Cualoping III, aminado silang may namamatay sa mga drug operation pero mali umano na umabot na ito sa mahigit 20,000.

“That’s bloated, very much bloated. At the end of the day more or less — I’m not saying only — there’s 6,000 people,” depensa ni Cualoping sa isang interview sa ANC.

Magugunitang noong weekend nang bananatan ng Vera Files si PCOO Assistant Secretary Marie Rafael Banaag sa pagsasabing 5,425 lang ang nabuwis ang buhay sa drug war samantalang pinagpapaliwanag ng Korte Suprema noong 2018 ang gobyerno hinggil sa mahigit 20,000 death toll sa kampanya kontra droga ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?