22

By

Namatay na bilanggo sa Metro Manila, umabot na sa 40

Sharing is caring!

Umakyat na sa 40 na mga preso ang namatay sa mga bilangguan ng Philippine National Police (PNP) sa buong Metro Manila simula noong Hulyo 2016.

Kinumpirma ito ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde.

Pinakamaraming namatay na preso sa detention cell ng Pasay City Police Office dahil sa dami ng mga nakakulong dito.

Isa sa nakikita nilang problema ngayon ang mabagal na pagpapalabas ng commitment order ng korte sa mga kaso ng mga nakakulong.

Sinabi ni Albayalde na dapat ay pansamantala lamang ang pagkakakulong ng mga preso habang hinihintay ang 15 araw na pagpapalabas ng commitment order ng korte.

Ngunit ang nangyayari aniya lumalampas sa 15 araw bago maglabas ng commitment order.

Kaya kahit 30 preso lamang ang kapasidad ng isang detention cell ay umaabot ito minsan ng 100 preso kaya’t nagkakasakit at namamatay dahil sa siksikang selda.

Iniutos na ni Pangulo Rodrigo Duterte ang pagpapalaki sa mga detention facility ng PNP habang nakikipag-ugnayan na rin ang pambansang pulisya sa mga local government unit upang pagtulungang maayos ang problema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?