134

By

Namatay dahil sa lambanog sa Laguna, umabot na sa 11

Sharing is caring!

Umakyat na sa 11 ang nasawi dahil sa pagkalason matapos uminom ng lambanog sa Laguna nitong Sabado.

Ayon sa ulat, binawian ng buhay ang isang 52-anyos na lalaki na nakainom ng lambanog sa Barangay Pooc, Sta. Rosa.

Kabilang ang biktima sa grupo ng mga kalalakihang namatay matapos uminom ng lambanog noong Disyembre 2.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalason sa lambanog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?