80

Dec 23, 2017 @ 17:06
By

Namatay dahil sa bagyong Vinta umabot na sa 75 katao – NDRRMC

Umakyat na sa 75 na katao ang namonitor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasawi dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Vinta.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ang bilang ng mga nasawi ay nakuha nila sa kanilang mga regional offices at Office of Civil Defense.

Sa ngayon ang Department of Interior and Local Government ang nagsasagawa ng beripikasyon at validation sa mga naitalang patay.

Karamihan sa mga nasawi ay namonitor ng NDRRMC sa Lanao del Norte, Lanao del Sur at Zamboanga dahil sa landslide at flashfloods.

Naitala naman sa 58 ang missing batay pa sa monitoring ng NDRRMC.

Patuloy ang monitoring NDRRMC sa mga lugar na apektado ng bagyong Vinta lalo’t nananatili pa ito sa Philippine area of responsibilities.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?