25

By

Namataang LPA, posibleng maging bagyo – PAGASA

Sharing is caring!

Dalawang low pressure area (LPA) ang minamanmanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather update ng PAGASA ngayong Sabado, maaari umanong maging bagyo ang isa sa mga LPA na ito.

Anang weather bureau, naispatan ang isang LPA sa 460 kilometers east northeast ng Guiuan, Eastern Samar habang ang isa pang LPA ay namataan sa 1,705 kilometers east ng Northern Luzon, na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Mas mataas umano ang tiyansa na maging bagyo ang nasa labas ng PAR dahil nasa karagatan pa ito at maaaring magpalakas at maging bagyo.

Habang ang nasa loob ng PAR ay hindi naman umano inaalis ang posibilidad na maging ganap na bagyo na patuloy pang minomonitor.

Samantala, magpapaulan pa rin ang habagat sa Western Visayas, Palawan, Mindoro, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.

Makakaranas naman ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Bicol Region, Eastern Visayas, Bulacan, Pampanga, Laguna, Rizal at Quezon na dala rin ng habagat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?