75

Oct 27, 2020 @ 21:38
By

Namahalan sa gastos ng online class: Nanay ng nag-suicide na HS student, nagsalita na

Binahagi ng isang ina ang kwento ng 19-anyos na Grade 9 student na nag-suicide noong Hunyo.

Sa Facebook video ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), nakapanayam ang magulang ng high school student kung saan paniniwala nito ay dahil sa problema ng online learning ay kaya nagawang magpakamatay ng kanyang anak.

Saad ng ina, hinihikayat niya ang kanyang anak na mag-enroll sa pasukan, ngunit tumanggi umano ito dahil sa gagastusin para sa pag-aaral, na aniya’y mas mura noong may face-to-face class pa.

“Sabi ko nga ang pinaka-dahilan no’n, nung huli na nagka-usap kami, kasi hinihikayat ko nga po siya na mag pa-enroll,” saad ng ina sa caption ng Spark.

“Tapos sabi ko pwede ka na magpa-enroll ngayon, pwede ka na magpa-enroll online kasi dahil nga sa pandemic. Ang sagot niya sa akin, ‘Hindi na muna ako, Mama, mag-aaral ngayon kasi ano naman matutunan ko sa online class na ‘yan?’,” lahad nito.

Wala din itong makitang dahilan sa pag-suicide ng kanyang anak kundi ang problema sa paghinto sa pag-aaral dahil sa online class.

“[Sabi niya] na noong dati nga nagpo-provide ka sa amin ng pamasahe, nakakatipid pa kesa sa online class. Ngayon daw kung wala kang 100 pesos, hindi ka makakapag-online class kasi minsan paano kung wala kang internet, wala kang pang-load, paano ka makakapag-online class?” kwento ng ina.

Matatandaan na pinatitigil ng Department of Education (DepEd) ang pag-ugnay ng suicide ng mga bata o guro sa isyu ng distance learning katulad ng mga self-learning module at online class.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?