608

Nov 18, 2021 @ 10:18
By

Nalito sa pila! Kelot 2 beses naturukan sa 1 araw

Dahil sa pagkalito sa pila ng first dose at second dose, dalawang beses naturukan ng COVID vaccine sa loob lamang ng isang araw ang isang lalaki sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat ng Unang Balita ngayong Huwebes, hindi alam ng lalaki ang proseso sa vaccination site na kanyang pinuntahan.

Kaya matapos maturukan ng unang dose, inabot pa niya ang vaccination card sa isang staff na dinala naman siya sa pila ng second dose, kung saan siya nabakunahan muli.

Bukod sa dalawang magkasunod na bakuna, magkaibang brand pa ang naiturok sa lalaki. AstraZeneca sa unang turok at Sinovac naman sa ikalawa.

Hindi muna pinayagang pumasok sa trabaho ang lalaki bagamat maayos naman ang kanyang pakiramdam. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?