70

Mar 30, 2020 @ 15:59
By

Naliligo sa pawis! Paul Lee laging pinapagod ng misis

Buryong-buryo na si Magnolia star Paul Lee sa bahay kaya naman iyayabang na lang nito ang kanyang sapatos.

“Workout done‼️ Kagaya nga ng sinabi ko kahapon ipopost ko na lang mga sapatos ko everyday dahil wala ng magawa,” sey ni Lee.

Nakatambay si Lee sa kanilang sala, na kanya umanong second favorite place sa kanilang tahanan.

Ang una kasi sa kanyang listahan ay sa tabi ng kanyang asawa na si Rubie, kahit ‘bugbog’ pa daw ang inaabot niya dito.

“Right now tambay ako sa 2nd favorite place ko sa bahay namin, syempre yung 1st place sa tabi ni misis, kahit lagi akong pagod and bugbog sa kanya,” sey ni Lee.

Reply naman ng kanyang misis, pumoporma pa daw si Paul gayong bago ito mag-pictorial ng kanyang sapatos ay ‘pawisan’ umano ito.

“Pumoporma ka pa dyan, e kanina pawisan ka lang hubby hahahahahaha,” patama ni Rubie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?