23

Aug 9, 2020 @ 15:32
By

Nalamang COVID positive: ML streamer hagulgol sa live

Hindi napigilan ng isang Pinoy Mobile Legends streamer na maging emosyonal matapos niyang matanggap ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Sa Facebook Live ni Hypebit$, o John Ferrer sa tunay na buhay, kanyang binuksan ang resulta kasama ng kanyang mga viewer kung saan nakita na positibo siya sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Ayon kay Hypebit$, pinili niyang magpa-swab test matapos makaramdam ng ilang sintomas tulad ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy, sore throat at lagnat.

“Nawalan akong panlasa saka pang-amoy, hindi kasi ‘yun common sa’kin eh talagang first time ko ma-experience,” saad ng sikat na streamer, kung saan sa kalagitnaan ng kanyang live ay pumatak na ang kanyang luha.

Siniguro naman ni Hypebit$ na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagsti-stream habang siya’y nagpapagaling sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?