40

Oct 19, 2017 @ 17:26

Nalalabing terorista, uubusin ng militar – Palasyo

Lalo pang  paiigtingin ng  gobyerno ang  laban kontra  terorismo  hanggang  sa  tuluyang  maubos ang  lahat  ng  galamay  ng  mga  terorista  sa  bansa.

Ito ang  inihayag  kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella  matapos  maaresto  ng  mga  ahente  ng  National Bureau of  Investigation (NBI) ang  recruiter umano ng  Islamic  state  in Iraq and  Syria o ISIS sa bansa  na  kinilalang  si Karen Aizha Hamidon.

Si Hamidon ang  biyuda  ni Mohammda Jaafar Maguid, ang most wanted  man sa  Sarangani at  dating lider  ng  Ansar Khalifa Philippines na  responsable sa  pambobomba sa  night  market  sa Davap City noong  nakalipas  na  taon.

Ayon kay Abella,  hindi hahayaan  ng gobyerno na humina ang  kampanya  kontra  terorismo  lalo na at  may  ilan pang  natitirang  galamay  ang  mga  terorista  sa  bansa.

“The arrest of Karen Aizha Hamidon by the agents of the National Bureau of Investigation (NBI) yesterday underscores that we cannot let our guard down in the fight against terrorism as some remnants of the forces of evil are still at large,” ang  pahayag  ni Abella.

Si Hamidon  ang  itinuturong Daesh-Maute  recruiter at  ginagamit  umano ang  internet para mag-recruit  ng  mga dayuhang  terorista at  sumapi sa  Maute  group  sa Marawi City  para  labanan ang  gobyerno.

Sinabi  pa  ni Abella na hindi titigil ang  gobyerno sa  pagtugis sa  mga  terorista  na  nais  maghasik ng  takot  at  karahasan sa  bansa at  hinikayat  ang  publiko na  maging  alerto at makipagtulungan sa  mga  otoridad sa  mga  posibleng  banta ng  terrorismo para sa  kaligtasan  ng  lahat.

“Our efforts to hunt down extremist elements who want to sow fear and terror and to maintain peace and order in the community continue as we call upon our people to be continually vigilant and cooperate to inform authorities on possible threats to public safety,” ang  dagdag  pa  ni Abella.

Buwan ng  Agosto noong  nakalipas  na  taon ay nakipag-ugnayan ang  National Intelligence  Agency ng India sa  gobyerno  at ipinabatid ang  pagiging  ISIS recruiter  umano ni Hamidon matapos  namang  maaresto ang  15 indian nationals na  na-recruit  para  maging  kasapi ng  ISIS habang  sila ay  bibiyahe  sana sa  Syria. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?