40

By

Nakumpiskang bigas ng Customs, ibibigay sa mga hinagupit ng Ompong

Sharing is caring!

Ipinag-utos na ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Bureau of Customs (BOC) na agad ipalabas ang mga nakumpiskang puslit na bigas para maipamahagi sa mga biktima ng bagyong Ompong.

Maging iba pang pagkain na kinumpiska ng BOC ay ibibigay na rin sa Department of Social Welfare and Development.

Ito, ayon kay Dominguez, ay para madagdagan ang ipinamamahaging pagkain sa mga apektado ng pananalasa ng bagyo.

Paliwanag ni Dominguez, maari naman ang ‘government-to-government transfers’ sa mga emergency situation tulad nang pagbibigay ng kinumpiskang pagkain para sa disaster relief.

Aniya, nakasaad sa Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act ang mga bagay na nasa kustodiya ng BOC na dapat ng ilabas ay maaring ibigay sa isang ahensiya ng gobyerno o idedeklara lang ng kawanihan na ‘for official use’ kapag inaprubahan na ng Kalihim ng Pananalapi.

Kabilang sa mga maaring ibigay ay mga materyales na magagamit sa bahay, pagkain, damit at gamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?