4,189

Mar 29, 2020 @ 16:13
By

Nakuhanan sa camera! ‘Aswang’ naghasik ng lagim sa Iloilo

Kumalat ang isang video sa social media kung saan makikita umano ang isang ‘aswang’ sa Iloilo.

Sa video ni RJ Mondragon sa Twitter, makikitang nagkakagulo ang ilang tao habang nakatingin sa taas dahil umano sa isang ‘aswang’.

Sa nasabing video, mapapansin na may malaking nilalang ang lumipad at dumapo malapit sa bubungan ng isang bahay.

Nagkakagulo ang mga tao at pilit hinahabol ang kanilang tinuturo na aswang.

Mayroon nang lampas 221,000 views at 1,100 retweet ang nasabing tweet, at marami ang nagtatalo kung ano nga ba ang nilalang na naispatan ng mga taga-Iloilo.


Base sa isang netizen, hindi umano aswang ang kanilang nakita kundi isang fruit bat o paniki.

Ang mga fruit bat ay tinatawag ding mega bat dahil sa laki nito, at sa madilim ay mapagkakamalan talagang kasing laki ng normal na tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?