83

Apr 6, 2021 @ 15:23

Nakitang nagbebenta sa kalsada: Fan inabutan ng pera ni Irving

Madalas man ma-bash si Kyrie Irving dahil sa mga paniniwala nito, hindi naman maikakaila na isa siya sa NBA superstar na busilak ang puso sa mga nangangailangan.

Sa Instagram video ng isang fan, naaktuhan ang Nets star na nag-abot ng pera sa isang street vendor na inabangan ang paglabas ni Irving.

Nasa Chicago noon si Kyrie nang makita ang isang bata na nagbebenta sa kalsada, nilapitan niya ito at inabutan ng pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?