1,359

By

Nakisali na rin! Locsin handang mamatay para sa away Barretto

Umaabot na rin pati sa mga government official ang isyu tungkol sa bangayan ng mga magkakapatid na Barretto.

Tila naging national issue na ang away sa pagitan nina Claudine, Marjorie at Gretchen na kahit si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ay napakomento na rin sa kanyang Twitter account.

Sa isang balita ng ABS-CBN tungkol sa paglahad ni Charlie ‘Atong’ Ang ng kanyang sariling bersyon sa nasabing banggaan ng magkakapatid, sinabi ni Locsin na tila nakasalalay sa mga susunod na kwento ang estado ng bayan.


Sey pa ni Locsin, wala umano siyang pake kung mamatay sa pagka-distract sa pagda-drive dahil mas mahalaga umano sa kanya ang maging updated sa issue ng mga Barretto.

“I don’t care if I die driving distracted, I gotta know the latest and the oldest news on this riveting national life and death thingamajig,” ayon sa kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?