14

By

Nakipagkarera sa ilog, binata nalunod

Sharing is caring!

Isang 21-anyos na lalaki na hinamon ang kanyang mga kaibigan na magpaunahan sila sa paglangoy sa ilog ang nalunod at namatay sa bayan ng Sual sa Pangasinan noong Hulyo 10.

Natagpuan ng rescuers ang katawan ni Bernie Gacuyan na lumulutang sa Alaminos River dakong alas-9:40 ng gabi, halos limang oras makalipas itong malubog sa ilog at hindi na nakita pa.

Idineklara itong dead on arrival sa ospital.

Ayon sa report, nag-inuman umano ang biktima at apat pa nitong kasama sa river bank sa Barangay Calumbuyan.

Dakong alas-singko ng hapon nang maghamon si Gacuyan na makipagkarera sa ilog pero naanod ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?